Sunday, February 22, 2009

ANG NAKAKAPAGOD PERO MASAYANG MANILA ADEVENTURES!

May mga bagay na dumarating sa buhay ng tao na kung titingnan natin ay simple lang pero nag iiwan ng karanasang hinding hindi mo makakalimutan. Hindi na bago sa akin ang libutin ang maynila tulad ng magpicnic sa luneta at intramuros, makipagsiksikan sa tao sa PBB Celebrity Edition Season 1 Big Night sa harap ng Bulwagan ng katarungan, maki jamming sa harap ng municipal hall kapag may concert, manood ng fireworks ng 23rd Southeast Asian games sa grandstand o makipag date sa mga ex girlfriend ko sa SM Manila. Pero ang field trip sa Manila kasama ang Grade 5 Mapagpakumbaba at Malikhain ay nakakapagod pero sulit ang Manila Adeventure ko kasama sila. Maraming silang bagay ang ginagawa na maiinis ka pero sa halip na mainis ka ay magagalit ka pa ba? Sinong hindi matutuwa sa halos 6 na beses na pagsuka ni Kate sa coaster. Sinong hindi matutuwa sa lakas ng boses ni Ralph dahil sa energy provided ng sangkatutak na chips na kinain niya. Sinong hindi matutuwa ng magtatakbo si Jester sa PHILVOCS at ng tanungin ni Mrs. Pauig kung ano yun ay sumagot ng “EARTHQUAKE SIMULATOR MAM”, sinong hindi matutuwa sa non stop na picture taking ni Sam sa lahat ng bagay na Makita niya. Sinong hindi matutuwa sa kakulitan nina Chardy at Renz na halatang excited sa lahat ng ginagawa nila. Sinong di matutuwa sa masinsinang pakikinig at kilig nina Rachel at Gretel kay Adong habang nag eexplain ito ng Types of Rocks. Sinong hindi matutuwa na kahit sina Jubei, Jake at Gabriel ay nakipagsiksikan para lamang makunan ng litrato si Yayo Aguila. Sinong hindi matutuwa sa own rendition ni Raven sa mga kinanta sa Videoke. Sinong hindi matutuwa sa pagsakay nila sa Luneta sa makulay na Coaster na kung titingnan ay pangkaraniwang sasakyan lamang. Masaya ang experience sa Maynila hindi na bago pero sadyang natural na makakalimutan mo ang iyong problema. Hindi mo pala kailangang lumayo ng destinasyon para mag enjoy. Simple pero ROCK, yan ang natutunan ko sa halos siyam na oras na makasama ko ang mga batang madalas kong sigawan at pagalitan kapag hindi naiintindihan ang lesson ko .



6 comments:

  1. eh sir isa lang nman knanta ko bat MGA KINANTA NI RAVEN???

    ReplyDelete
  2. HAHA . c Kuya adon6 . meii picture accu nian . HAHA . sir nasan na po yun6 iban6 picture ?? waLa na po ba ?? sir nakakanose bLeed yun6 m6a Lessons . HAHAHA . jukz Lan6 sir :))

    ReplyDelete
  3. aii sir c yoshiko n6a po pala toh . HAHA . xuri nakaLimutan Len6 :))

    ReplyDelete
  4. hello po sir c romeo po to !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  5. sir nakakatawa naman ang cnabi mo na nakakatuwa ang pagsuka ni kate ng 6 na beses.paano po kaya kung yung malikhain dis year ay may nagsuka o may naaksidente, matatawa po din ba kyo??. thanks ka nalang po na ako po ay student in grade 5 today...... not grade 6. but sir, I will not tell you who I am.

    clue:
    ako ay student ng masikap na nakaupo sa pinakalikod. group 3 ako sa science. girl ako.
    may mga kaklase ako na nagcbi na masama at nakakatakot akong masikap. many say na nagpapasikat ako but no. good girl po ako sa school. but sometimes sumisilip ako sa faculty mo. malapit po yun sa classroom noon ng mahinahon dis year dba. noong isang araw nagcommunity service ako kay sir Reyes. at sumisilip pa rin ako khit may ginagawa ako.

    ReplyDelete
  6. almost forgot.......
    may nilipat ka po sa tbi ko.
    friend kta friendster at facebook.
    friendster mo Boy
    facebook mo jbuhain at jomar
    friend ko sa facebook mo ay jbuhain
    di ko pa friend yng Jomar.

    ReplyDelete