Saturday, March 31, 2012

LIMANG TAON SA KULAY ASUL

FLASHBACK......April 29, 2007 around 8am in the morning.........

1 message received...

Opening.....

"Good Day..This is to inform you that PMS will not renew your contract for the school year 2008..Thank you for your service.."


......nganga....... anong ginawa ko? may kasalanan ba ako?


Ng mareceive ko ang message na yun mejo natulala ako...Oh My God...I'm unemployed, agad akong nagbihis, kinuha ang mga documents sabay punta sa kung saan dalin ng aking mga paa para mag -apply..Ayoko ko kayang mawalan ng trabaho. Naisip kong puntahan ang school sa may cogeo, sakay ng jip, trike, tapos lakad papunta sa school na yun....."Sir wala na pong available na position....try nyo po dun sa Infant Jesus Academy (never been heard)......San Yun? Lakad lang po kayo, yung school na blue.....
Ok, e d lumakad ako....nakita ko...pasok sa skul sabay sabing sir " nasa marikina po ang HR namin dun po kayo mag apply." Sakay daw ako ng trike sabihin ko lilac tapos sa lilac kulay pulang trike din tapos sabihin ko IJA....Ang mahal ng pamasahe!!!!
Walang science position na available....Computer teacher lng....Pede na din gusto ko naman magturo sa air-conditioned room. Apply, May 2 balik, May 3 demo...TANGGAP KA NA!..yey may work na ako...

At dito magsisimula ang aking kwento......ang kwento ng buhay sa kulay asul....

Limang taon akong simpleng guro sa eskwelahang ito...Computer Teacher..VALUES EDUCATION TEACHER, Arts Teacher at syempre SCIENCE TEACHER....Limang taon na nakibagay sa ibat - ibang klaseng tao........na bumuo sa aking pagkatao.

Hindi mahaba ang limang taon kumpara sa service na ibinigay ng mga kaibigan kong si Mean Lascano, Wheng Francisco at Ryo Jimenez sa IJA....pero sapat na ang limang taon para bumuo ng mga ala- alang dadalin patungo sa buhay na hinahanap ko.
Walang perpektong eskwelahan o kumpanya na papasukan..lahat may pagsubok...lahat nakakastress...pero ang pagbabalik tanaw na ito ay para lamang sa magaganda at makikinang na araw ko sa kulay asul.....
Sa unang taon ko sa eskwelahang ito, mabilis akong nakapag - adjust, madali naman silang pakisamahan...o sadya lng talaga ako CHARMING para hindi mapansin...LOLS.....Well, d ko makakalimutan ang una kong recognition sa school na ito....BEST ESCORT at BEST in SPORTS ATTIRE(salamat sa asawa ni Mrs. Liway Tan sa pagpapahiram)....hahahahaha.....
Sa paglipas ng mga araw, unti - unti ko din natutunan ang mamuhay the IJA WAY....simple lng naman, kapag marunong kang makisama SURVIVOR ka...xmpre dapat NAGTUTURO KA....kung hindi TSUGI KA.....pero nakasurvive ako........(kahit d ako nagtuturo...shhhhhhh...joke). Masarap makatrabaho ang mga taong ngingiti ka lng kahit na alam mong pagod ka na...kahit alam mong pressured na ang katawan mo...Sobrang daming trabaho...pero naging immune na ang katawan ko sa gawaing ito....sanayan lng ba.....Sa loob ng faculty room may malakas na tawanan na sisiguraduhin mong nanamnamin mo ang halakhak na lumalabas sayo. Dami kasing clown sa skul na ito........mapababae, lalake pati na binabae....lahat cla ay mag-iiwan ng ngiti sa iyong mga labi.
Sangkatutak din naman ang mga activities na aking sinamahan, daming adventures....Sa Muntinlupa, sa Pasinaya, maging ang prestihiyosong Palanca, sa Davao, sa Taal, Laguna at Coron at kung saan saan pa na masayang na experience sa loob ng limang taon....Lahat yan memorable. Lahat nag iwan ng tatak sa aking puso.
Thankful ako kasi alam kong nagtiwala sila sa akin...Dalawang taon yata akong LEAD MODERATOR,,,,plus ang toxic na trabahong PHYSICAL PLANT CHAIRMAN NG PAASCU..... o ha! yan ang mga posisyon!
Eh yung mga pinaasa ko? Yung mga pinaiyak ko? - Line yan ng mga kaibigan ko kaso kahit anong gawin kong explain sa kanila na di ko ginusto yun e d cla maniwala sa akin..Ok lng!
Ang lahat ng kaibigan...yung ako ang dumating sila ang umalis...tapos may dumating ule...tapos aalis....ang mahalaga nandito sila...malayo man..malapit pa din...
Alam kong mamimiss ko sila...mamiss ko ang kulay ASUL.... anjan lang nama cla....basta ang mahalaga yung limang taon na yun ay naging MASAYA!!!



Sunday, March 04, 2012

GOOD BYE TEACHING NA BA?

Masarap maging guro....masarap magturo.....pero mahirap at nakakapagod ang trabaho ng isang GURO....

- Madalas nating maririnig ang linyang "teaching is a noble profession"...yes BOW ako sa parteng yan ng aking trabaho.....pero paano kung dumating sa puntong ayaw mo na? hindi ka na naniniwala sa katagang yan? Ano ang gagawin mo? AKO.....QUIT......


Mahabang panahon na din akong isang guro, madami at sangkatutak na din ang kabataang dumaan sa aking buhay, yung iba sigurado nag iwan ako ng impact sa buhay nila, yung iba sama ng loob at yung iba wala lng....deadma....Sabi nga ni Jeremiah at Hosanna ng IJA "Mr. Buhain is a role model" <3.......pero minsan kong masalubong sa daan si Eden ng PMS " sir lagi mo naman akong binabagsak at pinagagalitan"...ouch sorry naman....madami din ang dinaanan ka lang at deadma kahit nakasakay mo pa sa jip hanggang LRT....(well the feeling is mutual)

Napakasarap maging guro.....nandyan ang makukulit na bata na kapag kasama mo sila ay feeling bagets ka din.....mararamdaman mong kuya ka sa kanila, minsan tatay na din para sa kanila, minsan kontrabida, pero madalas ikaw ang bida sa paningin nila. May panahong waging wagi ka....lalo na kapag birthday mo.....may cakes, gifts at banner!! Kapag teachers day, my letters at kung ano anong maliliit na bagay mula sa kanila, kapag Valentines day all kinds of sweets at hearts!, at syempre ung sako sakong gifts kapag pasko...............hayyyyyyyy

Pero hindi ang mga materyal na bagay ang bumuo sa akin bilang guro.....Kundi ang mga mga kabataang nasa harap ko mula alas 6:30 ng umaga hanggang alas 2:00 ng tanghali....Yung simpleng ngiti, yung simpleng tawanan st simpleng problema na bumubuhay sa isang oras ng pag-aaral.....

GOOD BYE TEACHING NA BA?

Sa ngayon......OO

Pagod na ba ako?.....OO

Sa darating na mga panahon....alam kong mamimiss ko sila......alam kong hahanapin ng katawan ko ang pagiging guro....Pero sa ngayon PASS muna....at hihintayin uli ang panahon na muling magbubukas sa puso ko ang pagtuturo.....

SANA.......


SANA......


;-)

DON'T QUIT

When things go wrong, as they sometimes will,
When the road you're trudging seems all uphill,
When the funds are low and the debts are high,
And you want to smile, but you have to sigh,
When care is pressing you down a bit,
Rest, if you must, but don't you quit.

Life is queer with its twists and turns,
As every one of us sometimes learns,
And many a failure turns about,
When he might have won had he stuck it out;
Don't give up though the pace seems slow--
You may succeed with another blow.

Often the goal is nearer than,
It seems to a faint and faltering man,
Often the struggler has given up,
When he might have captured the victor's cup,
And he learned too late when the night slipped down,
How close he was to the golden crown.

Success is failure turned inside out--
The silver tint of the clouds of doubt,
And you never can tell how close you are,
It may be near when it seems so far,
So stick to the fight when you're hardest hit--
It's when things seem worst that you must not quit.

- Author unknown