Friday, April 24, 2009

"ANG LABA NG NANAY"


Ang hirap tumira malayo sa tunay na bahay, bakit??? kasi kaylangan kong maglaba ng sarili kong damit para lamang maging presentable kapag humarap ako sa ibang tao. Dumating na nga sa point na sumakit at nagkasugat na nga kamay ko ng subukan kong labhan ang tatlong linggo kong damit pantrabaho at pambahay. Pero kahit anong pilit ko na pagpapaputi sa damit ko hindi ko na yata talaga magagawang paputiin ang nangungutim na kulay ng mga white t shirts ko, ok lang sa mga de kolor hindi masyado halata. Hirap mag sarili lalot pat hindi mo to nakasanayan ng mahabang panahon, sobrang dami ng adjustment na gagawin mo para sa sarili mo maksurvive ka lang. Peo ng umuwi ako sa haus namen....ibang klase talaga ang laba ng nanay...biruin mo yun yung mga damit kong tipong wala ng pag - asang pumuti eh nagawa pa ng nanay ko na paputiin at hmmmm pabanguhin. ibang klase talaga ang laba ng nanay, doon pa lang eh mararamdaman mo na talaga anag pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Hindi man nia ito sabihin pero mararamdaman mo at makikita ito sa kanyang sariling paraan. Ikaw naipaglaba ka na ba ng iyong ina? Sa lahat ng nanay HAPPY MOTHERS DAY PO!!!!!!! THANKS MOM!

ANG STAFF HOUSE “BOW”


Happy ang madalas na ending ng isang istorya, mapa pocketbooks, pelikula, o kwentong aklat man ito, marahil mas masarap basahin at tapusin ang isang kwento lalo na’t nakarerelyt ka sa binabasa mo o sa pinapanood mo. Pero meron din namang kwento na sa bandang huli ay bibigyan at mag iiwanan sayo ang sama ng loob. Madalas pa nga napakahirap mag move on sa mga pagkakataong apektadong apektado ka sa kwento, parang love ika nga, move on ka ng move on pero di ka naman gumagalaw. Parang kwento sa staffhouse na kung saan halos isang taon din akong kinupkop ng pinakasikat ng tahanan sa IJA. Counterpart yata yan ng big brother house na tulad ng bahay ni kuya merong mga housemeyts, na sa bawat housemates ay binubuo ng ibat ibang persona na kung hindi ka kakapit at hindi magtitimpi pwedeng ang ending hindi maganda. Daming story na umikot sa loob ng bahay na 2 na kami lang ang tanging saksi. Ang labindalawang housemates ni Kuya. Masaya ang buhay sa staffhaus, sangkatutak na halakhakan, sangrekwang kakulitan at sandamukal na harutan, pero meron din namang iyakan, lungkot at hirap. Meron nabuong pagmamamahalan, yan na yata ang the best na nangyari sa bahay. Meron ding bangayan na buti na lang ay hindi umabot sa suntukan at bugbugan. Sarap balikan ang staff house pero tulad ng bawat kwento meron din itong katapusan. Katapusan na not so happy. Una, wala ng staffhouse, pangalawa, dami kasing nag away at nag kasamaan ng loob. Kalungkot pero wala naman kaming magawa. Sana lang maayos din yun sa huli. Ang staff house ay bahagi na lamang ng nakaraan, at tulad ng isang kasaysayan, mananatili itong nakatatak sa puso ng bawat isa. San man kami dalhin ng aming mga paa, minsan sa buhay namen ay may isang tahanan na umaruga sa amin. Yan ang drama sa loob ng bahay.

Sunday, April 12, 2009

ANG BUHAY

Kung buhay mo'y magulo wag kang magtampo
Maraming dahilan kung bakit ganito,
Pagsubok na bigay yan para sa'yo

Kung may mga tanong na kay hirap arukin,
Magtiyagang isispin, sagot ay hanapin,
Paglaon ng panahon iyong makikita
Tugon sa hanap mo ay nas iyo na pala

Kung ang pag - buhos ng ulan ay patuloy
Kaalinsabay ng pusong nananaghoy
Sa pagsubok ikaw ay wag susuko
Saagkat bukas ang biyayang bubuho.

Sa bawat pagpukol sa iyo
Sa bawat hapdi at kirot na dulot sa iyo
Wag kang patitinag tibayan ang loob mo.

Ang buhay ng tao sadyang ganyan
Kaakibat ang pagsubok sa iyo'y daratal,
Sa bawat pagkadapa, piliting tumayo,
Pag - asa't tagumpay iyong matatamo.

Wednesday, April 01, 2009

BROWN OUT

Hirap talaga maputulan ng kuryente lalo pat yung bahay na dumilim eh hindi mo naman talaga tahanan. Syempre ang unang pumasok sa isip ko eh paano ba ako makakatulog nito...unang una walang electricfan.. kapag walang electric fan reunion syempre ng buong ankan ni moymoy lamok..pyesta nanaman sila. Hirap ng palaboy, sa bahay kapag walang kuryente ok lang kasi kasama mo yung magulang mo, yung mga kapatid mo. Pero iba ang sitwasyon kapag iba ang kasama mo, di ko naman sila kayang diktahan sa kung anong maging desisyon nila, may tatakbuhan kasi sila may madaliang babalikan o may alternatibong desisyon. Ako malayo kaya mag iisip ng paraan kahit kaiinin na ng ego ko yung buong pagkatao ko ok lang makagawa lang ng paraan para sa ikabubuti ng kalagayan ko. Minsan talaga may dalang lungkot at pag iisa ang kadiliman, buti na lang sa bawat dilim may kasunod na liwanag. Hihintayin ko na lang na lumiwanag uli para manumbalik yung sitwasyon.