Tuesday, October 06, 2009

Bagyong Ondoy: Sino ang dapat sisihin sa sakunang naranasan ng mga kababayan natin?

Masasabing grabe talaga ang nangyari noong nakaraang sabado at linggo ika-26 at 27 ng Setyembre 2009. Magdamag na nag-uulan noong gabi ng Sabado, ika-26 ng Setyembre. Sinasabing noong araw na yun umulan ng katumbas ng isang buwan. Isang araw na di malilimutan dahil ito ay kumitil ng mahigit 200 katao at marami pa ang hindi natatagpuan.

Tinawag ang bagyong ito na bagyong ondoy, sinasabing napakatagal na panahon na noong nangyari ang ganitong pag-ulan. Hindi lubos maisip ng lahat na magagawang palubugin ng bagyong ondoy kahit ang matataas na lugar. Wala talagang pinatawad ang bagyong ondoy, mayaman man o mahirap, maganda man ang bahay mo o isang simpleng barong barong lang. Nakakalungkot, nakakapanglumo. Hindi man kami naapektuhan dito sa lugar namin nakakabigat pa din talaga ng kalooban.

Sino nga ba talaga ang dapat sisihin sa pagbahang ito? Mayroon nga bang dapat sisihin? O talagang ganti ito ng kalikasan sa lahat ng kababuyan natin at pagdudumi natin sa ating paligid?

Maaring nating sabihin na nagkaroon ng matinding pagbaha dahil sa mga basurang ikinalat natin. Mga basurang itinatapon natin sa ilog, lawa o sapa. Mga maliliit na balat ng kendi na bumara sa kanal at na ipon ng napakatagal. Libo-libong basura na tayo din ang may gawa. Na naging sanhi ng pag-apaw ng mga ilog at di pagdaloy ng tubig.

Sinasabing kaya nagkaroon ng ganun katinding pagbaha ay dahil sa biglaang pagpapalabas ng tubig sa iba't ibang Dam nandyan na ang Anggat Dam, La Mesa Dam at iba pa. Naisip ko lang bakit hindi naglabas ng paunti unting tubig ang dam noong mga oras na mahina pa lang ang ulan o nag-uumpisa pa lang ang ulan? Bakit hindi naisip ng mga nagbabantay dun na maaring matagal pa bago matapos ang pag-ulan at may possibility na talagang umapaw ang mga dam? At bakit bigla nilang pinakawalan ang tubig sa dam? Napakaraming tanong sa isip ko na di ko alam kung masasagot ngayon. Pero, naisip ko din dapat nung una palang naisip na nila yung mga posibilidad na mangyayari. Kayo naisip niyo ba yun?

Mapapanood natin ngayon ang lahat ng resulta ng bagyong ondoy. Mababasa natin lahat ng mga naganap kahit saang parte ka ng Pilipinas at kahit saang parte ka pa ng mundo naroon. At sa tuwing nakikita ko yung mga taong namatay dahil sa sinusubukan nilang makaligtas but, unfortunately di sila nakaligtas. Napakaraming bata ang ngayon ay walang masilungan, walang masuot at maari rin naman ng wala ng magulang o kaya'y nawawala pa sa kasalukuyan. Mga matatanda na may karamdaman na sobrang nahirapan sa nasabing bagyo.

Ang tanging magagawa natin ngayon ay ang tumulong at ipagdasal ang kanilang kaligtasan. Lalo na ngayon na may dumating na naman na bagong bagyo si Bagyong Pepeng at sinsabing meron pang isa. Sana lang hindi na maulit yung nangyari nung nakaraan. Tama na ang isang beses na sakuna. Tama na ang mahigit 200 namatay at tama na ang mga putik na tumabon sa napakaraming bahay.

Tumulong tayong lahat. Kailangan ng mga taong nasalanta ni bagyong Ondoy ang tulong natin. Sa simpleng bagay makakatulong tayo. Damit, konting pagkain, mga kumot at iba pang mga magagamit ng mga taong nasalanta. Napakaraming nagugutom at isipin natin ang mga taong nasa evacuation center.

Magkaisa tayong lahat. At huwag mawalan ng pag-asa. Matuto tayong maglakad pasulong at huwag paatras. Harapin natin ang bukas ng may ngiti sa puso at isip. Lagi natin isipin na mayroon tayong Amang nasa Langit na nagmamahal sa atin at patuloy Niya tayong binabantayan at gabayan.

Let us all pause and pray. Thank Our Heavenly Father that we are still alive and we still have our loved ones beside us. And for those who lost their loved ones, Condolence but a death doesn't mean everything should STOP. Just move forward and pray and be thankful.

repost from another blogger

Monday, May 04, 2009

CAN SANTINO SAVE THE WORLD?

A prisoner is desperate because his son is dying of cancer but he has no money to send him to the hospital. What should he do?

Call Santino!

A magician has a pressing problem that’s driving him crazy. What should he do?

Call Santino!

A girl is in a quandary, ready to extend her Alzheimer-stricken mother’s life by giving whatever is left of her own. What should she do?

Call Santino!

A dedicated teacher is forced to retire and is at a loss what she will do with the rest of her days. What should she do?

Call Santino!

A son is prevented by his rich father from entering the priesthood. What should he do?

Call Santino!

Because May Bukas Pa hit bull’s-eye a soft spot in the hearts of televiewers, Santino has become the symbol of hope, the light in a grim landscape plagued by news of graft and corruption and incompetent government officials and crimes of all kinds, an accidental Pied Piper leading us not to damnation but to salvation, and the harbinger of the silver lining behind dark clouds.

Now, can Santino save the world?

How we wish!

kakapresure c santino.....


(article from PHIL STAR)

Sunday, May 03, 2009

IKINUBLI SA PAGMUMUNI MUNI

May kanya – kayang mundo tayo ika nga. Madalas natin itong painugin sa sandaling pag – iisa at pananahimik.. Di man natin napapansin ay nadadala ka sa kakaibang mundong ito. Di ba minsan di mo maiwasang matulala na lamang at lumulutang ang isip sa tanikalang di mo alam ang patutunguhan, maya maya’y matatauhan ka at mamamlayan mo na patawid ka na pala ng kalsada. Maririnig mo na lang ang malutong na mura ng drayber…”Magpapakamatay ka ba?” Sa pagkakataong ito mapapayuko ka na lamang at sisisihin ang sarili sa naging katangahan.

Di ko alam kung kabaliwan bang matatawag ang pagkakaroon ng malikot na pag – iisip at malayang imahinasyon o ang mga ito’y produkto lamang ng damdaming sumasaklaw sa ating pag katao na sinasarili natin. Ito siguro ang kalayaan na gusto nating manatiling sa atin lamang o sa simpleng salita “privacy”. Bilang isang indibidwal nais nating magkaroon ng isang pribadong sandali upang maikubli ang sarili sa mapangahas na realidad at pakikipagsapalaran sa masalimuot na mundo.

Isang aspekto sa pagiging tao ay ang paghahanap ng lunas sa mga hatid na ingay sa suliranin sa araw araw na buhay. Nais nating mapalagay ang loob sa gina ng pag kaaburido, hinanakit, at kalungkutan na konkretong sangkap ng isang intelektwal na nilalang. Mas pinanaligan natin ang diwa kung saan o ano ang mga maidudulot nitong kasiyahan, at dahil ang tao ay likas na mapaghanap ng kaligayahan gagawa at aalamin ang ibat – ibang adaptasyon upang makamit ito. Hindi ba halos lahat sa atin ay dagliang napapangiti sa gitna ng pagdadalamhati kapag may kakaiba o kakatwang naganap sa harap natin?

Marahil ang mga ito ang natural na karakter nating mga tao sa pagharap at paghahanap ng kanya – kanyang lugar sa buhay. Hindi man kagandahan ang daan pasulong sa paroroonan pero patuloy parin tayong naghahanap ng ibang landas upang marating ang pinapangarap nating tagumpay. Ang mga daang paliko ay sumasagisag lamang na minsan tayo’y naging baliw sa kanya kanyang mundo at ito ang naging pampalipas oras sa sandaling kabiguan. At ang mga ito ay ikinukubli na lamang sa pribadong pag mumuni muni.

Friday, May 01, 2009

"MY HOME IS NOT A PLACE IT IS PEOPLE"

Ilan na ba ang taong nakasalamuha mo sa paglalakbay mo sa mundong ito? Siguro tulad ko hindi mo na rin mabilang sa dami nila o hindi mo na rin maalala dahil limot mo na rin ang pangalan nila. Subalit sa paglalakbay mo sa buhay meron mga taong tatak at tagos sa puso mo na hinding hindi maalis sa isipan mo. Yung bang mga taong sa palagay mo eh nakaukit na sa bawat nerves ng katawan mo. Top of all kumbaga, sila yung mga sa kanya kanyang disiplina at gawain ay may magandang naidulot sa pagpapatakbo ng buhay mo? Bukod sa pilya mo eh may mga taong Sinu – sino ba ang mga taong minsan ay naging inspirasyon ko at nakatulong sa akin na iabante ang byahe ng buhay ko.

MS. EVELYN VARGAS

Wow!, ang d best na teacher ko nung grade 1 pa lang ako. Musta na kaya si mam? Ms. Pa rin kaya sya hanggang ngayon? Siya yata ang nagturo sa akin kung paano ang magsulat at magbasa. Sya yung tipo ng guro na pagkakatiwalaan mo. Yung teacher na magtitiyaga sa slow learner na tulad ko. Naalala ko pa nga ng nadulas sya sa harapan dahil nabuhos ko yung baon kong tubig dahil sa pagiging careless ko. Ayun imbis na magalit ngumiti na lang sya.

HARRY TUGADE

Musta na kaya ang besfren ko nung elementary pa lang ako? Sya ang lagi kong kasama. Sya lang yung tangi kong kausap. Sya lang yung tangi kong kadaldalan. The best kasi makikita mo yung pagpupursigi nya sa pag aaral. Madalas kaming managarap na balang araw magiging piloto kami at maglalakbay sa lahat ng parte ng mundo. Musta ka na kaya kaibigan?

MS. MYRNA ANTAZO

Ang d best PHYSICS at ADVISER ko nung highschool. D best kasi wala siyang ibang inatupag nung highschool kami kundi kami ang mga students niyang “IV – RIZAL”. Maangas kami nun kasi siya ang tagapagtangol naming. Libre kami ni mam kahit saan. Strikta pero rock. Malungkot lang kasi maaga syang kinuha ni Lord. Sayang at marami pa siguro syang matutulungan na tulad namin. Pero nasan ka man MAM ….IDOL!

AARON SANTOS

Brod… ang kaibigan ko na kung hindi mo makikilala eh iisipin mong loner at masyadong tahimik. Si Aaron na yata ang pinakamabait na taong nakilala ko. Sya yung tipo ng tao na sa ano mang problema sa buhay eh hindi nawawalan ng pag –asa. Cool at disiplinado. Yung pagiging dissplinado ang pilit kong kinokopya sa kanya. Pero hindi yata uubra sa saken yun. Salamat na lang bro at nanjan ka lagi para sa akin.

RICHARD JARDELIZA

The best kasi ibang klase ang sakripisyo na ginwa nya paa lang sa mga kapatid at tatay niya. Sya ang tuayong tagapagtaguyod upang maabot ng mga kapatid niya yung mga panagrap nila. Nag aral at nagtrabaho para lang matustusan yung pangangailangan nila. Kapos na maitutring pero nagawangn iaangat ang antas ng buhay dahil na rin sa determinasyon niya. Hindi ako magatatka kung balang araw eh bibiyayaan siya ni God ng mganadang huhay. CUM LAUDE yata tong kaibigan ko na to.

NEI SEVILLA

Si Nei ang nag bago sa takbo ng buhay ko. Siya ang nag parealize sa akin sa kung ano ang dapat kong gawin at hindi dapat. Kaibigang matalik dahil minsan syang naging bahagi ng buhay ko.

MARY JANE PADILLA

Si Mila, ang taong hindi uso ang hindi ngumiti. Palaging relax at cool. Hindi marunong mapikon sa lahat ng pang –aasar. Nasa tabi tabi lang yan pero 1 thing for sure nakangiti na naman yan.

DANNIE BOSQUE

Ang pinaka accommodating na tao na nakilala ko. Masarap kakewntuhan at talagang makikinig sa bawat sinsabi mo. Kunsabagay guidance counselor kasi sya. Si dan yung tipo ng tao na kapag nagalit eh burado ka sa kanya pero second chance is in her heart. Basta just promise na hindi na mauulit yung ginwa mo sa kanya.


WILLIE VALENCIA

Kung may isang bagay na kulang sa akin yun yung pagiging masipag Iba si Willy boy. Sya yung walang ginawa kundi ang kumilos ng walang reklamo. Masipag at lagin on the go. Swerte ni Fay sa taong ito.

SI KARLA

Hindi ko siya ganoong kakilala at lalong lalu na hindi nya ako kilala. Sya yung carinderia girl(GAY) sa talipapa sa galera. Nakakatuwa lang siya kasi lagi syang nakasmile kapag kakain kami. Sarap yata ng Lomi ni Karla. Sa muling pagkikita.

SI MANONG MAGTATAHO SA AMIN, MGA DRIVER, CONSTRUCTION WORKER, MAG GUGULAY

Sila yung bayani sa tingin ko kasi sila yung may simpleng trabaho pero nagagawang gawing on the rock ang pamumuhay. Nakapagtaguyod ng pamilya at nakapagpalaki ng anak sa tamang direksyon. Sila yung OK lang na magbilad maghapon sa kalsada may maipang tustos lang sa mahal nila sa buhay.

Madami pa ang taong pwedeng dumating sa buhay ko, panandaliaan, pangmatagalan at pang habangbuhay. Pero sila muna yung maituturing kong iba at top of the list sa lahat. Inspirasyon na nagbago ng buhay mo pero habang buhay na hidi na magbabago ang minsan ay nagawa nila para sa iyo.

Friday, April 24, 2009

"ANG LABA NG NANAY"


Ang hirap tumira malayo sa tunay na bahay, bakit??? kasi kaylangan kong maglaba ng sarili kong damit para lamang maging presentable kapag humarap ako sa ibang tao. Dumating na nga sa point na sumakit at nagkasugat na nga kamay ko ng subukan kong labhan ang tatlong linggo kong damit pantrabaho at pambahay. Pero kahit anong pilit ko na pagpapaputi sa damit ko hindi ko na yata talaga magagawang paputiin ang nangungutim na kulay ng mga white t shirts ko, ok lang sa mga de kolor hindi masyado halata. Hirap mag sarili lalot pat hindi mo to nakasanayan ng mahabang panahon, sobrang dami ng adjustment na gagawin mo para sa sarili mo maksurvive ka lang. Peo ng umuwi ako sa haus namen....ibang klase talaga ang laba ng nanay...biruin mo yun yung mga damit kong tipong wala ng pag - asang pumuti eh nagawa pa ng nanay ko na paputiin at hmmmm pabanguhin. ibang klase talaga ang laba ng nanay, doon pa lang eh mararamdaman mo na talaga anag pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Hindi man nia ito sabihin pero mararamdaman mo at makikita ito sa kanyang sariling paraan. Ikaw naipaglaba ka na ba ng iyong ina? Sa lahat ng nanay HAPPY MOTHERS DAY PO!!!!!!! THANKS MOM!

ANG STAFF HOUSE “BOW”


Happy ang madalas na ending ng isang istorya, mapa pocketbooks, pelikula, o kwentong aklat man ito, marahil mas masarap basahin at tapusin ang isang kwento lalo na’t nakarerelyt ka sa binabasa mo o sa pinapanood mo. Pero meron din namang kwento na sa bandang huli ay bibigyan at mag iiwanan sayo ang sama ng loob. Madalas pa nga napakahirap mag move on sa mga pagkakataong apektadong apektado ka sa kwento, parang love ika nga, move on ka ng move on pero di ka naman gumagalaw. Parang kwento sa staffhouse na kung saan halos isang taon din akong kinupkop ng pinakasikat ng tahanan sa IJA. Counterpart yata yan ng big brother house na tulad ng bahay ni kuya merong mga housemeyts, na sa bawat housemates ay binubuo ng ibat ibang persona na kung hindi ka kakapit at hindi magtitimpi pwedeng ang ending hindi maganda. Daming story na umikot sa loob ng bahay na 2 na kami lang ang tanging saksi. Ang labindalawang housemates ni Kuya. Masaya ang buhay sa staffhaus, sangkatutak na halakhakan, sangrekwang kakulitan at sandamukal na harutan, pero meron din namang iyakan, lungkot at hirap. Meron nabuong pagmamamahalan, yan na yata ang the best na nangyari sa bahay. Meron ding bangayan na buti na lang ay hindi umabot sa suntukan at bugbugan. Sarap balikan ang staff house pero tulad ng bawat kwento meron din itong katapusan. Katapusan na not so happy. Una, wala ng staffhouse, pangalawa, dami kasing nag away at nag kasamaan ng loob. Kalungkot pero wala naman kaming magawa. Sana lang maayos din yun sa huli. Ang staff house ay bahagi na lamang ng nakaraan, at tulad ng isang kasaysayan, mananatili itong nakatatak sa puso ng bawat isa. San man kami dalhin ng aming mga paa, minsan sa buhay namen ay may isang tahanan na umaruga sa amin. Yan ang drama sa loob ng bahay.

Sunday, April 12, 2009

ANG BUHAY

Kung buhay mo'y magulo wag kang magtampo
Maraming dahilan kung bakit ganito,
Pagsubok na bigay yan para sa'yo

Kung may mga tanong na kay hirap arukin,
Magtiyagang isispin, sagot ay hanapin,
Paglaon ng panahon iyong makikita
Tugon sa hanap mo ay nas iyo na pala

Kung ang pag - buhos ng ulan ay patuloy
Kaalinsabay ng pusong nananaghoy
Sa pagsubok ikaw ay wag susuko
Saagkat bukas ang biyayang bubuho.

Sa bawat pagpukol sa iyo
Sa bawat hapdi at kirot na dulot sa iyo
Wag kang patitinag tibayan ang loob mo.

Ang buhay ng tao sadyang ganyan
Kaakibat ang pagsubok sa iyo'y daratal,
Sa bawat pagkadapa, piliting tumayo,
Pag - asa't tagumpay iyong matatamo.

Wednesday, April 01, 2009

BROWN OUT

Hirap talaga maputulan ng kuryente lalo pat yung bahay na dumilim eh hindi mo naman talaga tahanan. Syempre ang unang pumasok sa isip ko eh paano ba ako makakatulog nito...unang una walang electricfan.. kapag walang electric fan reunion syempre ng buong ankan ni moymoy lamok..pyesta nanaman sila. Hirap ng palaboy, sa bahay kapag walang kuryente ok lang kasi kasama mo yung magulang mo, yung mga kapatid mo. Pero iba ang sitwasyon kapag iba ang kasama mo, di ko naman sila kayang diktahan sa kung anong maging desisyon nila, may tatakbuhan kasi sila may madaliang babalikan o may alternatibong desisyon. Ako malayo kaya mag iisip ng paraan kahit kaiinin na ng ego ko yung buong pagkatao ko ok lang makagawa lang ng paraan para sa ikabubuti ng kalagayan ko. Minsan talaga may dalang lungkot at pag iisa ang kadiliman, buti na lang sa bawat dilim may kasunod na liwanag. Hihintayin ko na lang na lumiwanag uli para manumbalik yung sitwasyon.

Sunday, March 22, 2009

TRABAHO AGAIN!


5: 30 ng hapon ng byernes ng umalis ako sa tinutuluyang STAFF HOUSE. Malayo ang byahe at delicate pauwi sa amin kaya inagahan ko ang pag – alis sa Boarding house kahit mejo gusto ko pang makipagchikahan sa mga kasamahan ko doon. Sinabi ko sa sarili ko na this is my WEEKEND, gusto kong magpahinga sa halos isang linggo kong puyat at pagod sa trabaho. Hindi ako nagkamali 7:30PM – 8:15 am ang tulog ko na animo’y wala ng bukas ang tulog ko na iyon. Di ko na nga napansin na ang dami na pa lang text messages ng bebeko at kahit si Mikee na katrabaho ko di ko na nasagot sa question niya. Sabado, xmpre moment ko with bebeko ko yun. Nuod ng sine, kain sa labas, balik sa bahay nila dahil sa curfew at balik sa bahay namen para maabutan ang MAALAALA MO KAYA ,ang paborito kong palabas lalo na’t gusto kong mag emote. Tapos dumating si AL at ROB na mga motorista kong barkada, sundo tambay hanggang alas tres ng madaling araw. Uwi sa bahay tulog at kain.Usually yan talaga ang routine ko over the weekend. 4:30 pm ng biglang pumasok sa isipan ko kung ano ang lesson ko for tomorrow. Huwaaaat? In a moment natigilan ako dahil naalala ko na wala na nga pala akong klase bukas. Nabunutan tuloy ako ng tinik sa katawan. Mejo mas magaan na kasi kapag wala ng lesson plan na iintindihin at walang gyera with the students na susuungin. Yun nga lang kakamis kasi nakasanayan na nang katawan. Almost 3 months na naman ule ang hihintayin ko bago mangyari yun. Pero sa ngayon TRABAHO ULE, this time hindi na sa harap ng makukulit at maiingay na chikiting kundi ang harapin ang resulta ng kakulitan ng mga batang ito. Sana matapos ko ito this week. Bukas TRABAHO ULE.

AMBITIOUS BLOG ARTICLE on AMBITION ng AMBISYOSO


What do you want to be when you grow up?

As a child, I always asked this question. I wanted to be a member of ANG TV KIDS..Nye! By the time I was 14, my ambition changed as often as MADONNA reinvented herself. At one point, I wanted to become pilot, HISTORY professor, a photographer, and then a writer. I had also had fantasies of being the Next Aga Mulach and Richard Gomez, the sixth member of BOYZONE, and ehem, The President of the Philippines. Now at 27, and most of my dreams are laid to waste. I am up for the ULTIMATE AMBITION. I want to be a….JEDI! Ok, it may sound out of this world but what the HECK. To be a JEDI is to be invincible. Here’s why:

1. A JEDI KNOWS NO FEAR
2. A JEDI KNOWS NO HATE
3. LIGHTSABER? Probably the coolest weapon in the world! If I have one, I’d be the ultimate protector of the weak (OMG). Criminals can bring out all their guns, ice picks or balisong and sumpit. But with one use of my light saber and they will be running for their lives... Ahehehe
4. and lastly, I want to be a Jedi so that the FORCE is always with me.

It will keep my spirits up. No matter what obstacles I may face, the FORCE will keep me balanced. (NOSEBLEEDING)…..:-)

ESTUDYANTE: para sa kanyang malawak na Ka[MALAY?] an


Para sa karamihan, simple lamang ang konsepto ng pagiging isang mag – aaral – ang matuto, makapagtapos at humarap sa malawak na globalisasyon at kompetisyon sa iba’t – ibang sector ng lipunan. Ngunit sa isang banda, kung inyong susuriin at pagtutuunan ng pansin, may mas interesanteng istorya sa likod ng konseptong ito. Pagmasdan mo lang. Idilat ang mga mata at buksan ang saradong pandinig. Pero saan nga ba nagmumula ang buhay ng isang estudyante? Marahil, sasabihin mo sa akin “ Eh bakit ka pa nagtatanong? Sa eskwelahan syempre”. Ano kaya ang sa tingin mo ang isasagot ko sa sariling tanong? Ang totoo, relatibo ang kasagutan, dahil tulad mo ang bawat isa sa atin estudyante man o naging estudyante ay may kanya – kanyang istoryang pwedeng ibahagi. Mas magandang pagtuunan ang reyalidad. Kung ikaw ang tipo ng nagmamasid at nakikialam, hindi mo na siguro mabibilang sa iyong daliri ang mga butas na gusting baguhin. Kung ikaw naman ang tipo ng mga walang ‘paki’, yun bang ‘wala lang’, pagkakaabalahan mo na lang sigurong kopyahin ang assignment ng kaklase mo, mangodiko sa exam, mag – ingay at magkalat sa eskwelahan. Sa apat na sulok ng institusyong pinapasukan mo, anu – ano nga ba ang bagay na nakapagbahagi sayo upang ika’y maging buo? Anu – ano nga ba ang mga ideyalismong nakapagbigay sa iyo ng malawak na kamalayan? Masasabi mo kaya na ika’y nakatapos ng isang taon sa elementarya o sekundarya nang may natutunan? Ang pagharap sa tunay na mundo ay hindi pagtakas sa mga anino na nakapaloob sa paaralan. Ang mag anino’y hindi nawawala – nagtatago lang. Kung ano man ang desisyon na iyong gagawin sa kasalukuyan, malaki man o mumunti, matatas kong sasabihing ito’y magiging basehan ng IYONG KAHIHINATNAN. Sa apat na taon o ilan mang taon na iginugol mo sa pag – aaral, aminin natin na hindi tayo naging mabuting estudyante. Ngunit subukin nating sabihin na nais mo at nais kong pag ibayuhin at linangin ang aking KAMALAYAN.

BATOK NI LORD!



Ibang klase talaga ang batok ni Papa Jesus, masakit pero my kirot sa puso. Biruin mo yun nagising din ako sa katotohanan sa wakas. Ilang buwan ko din itong tiniis, akala ko kasi OK na pero yun pala hindi pa. Once, twice, thrice…. Ilang beses na bang inalog ni Lord ang ulo ko? Di ko na din mabilang. Ayokong ipaalam kung bakit ba ako binatukan ni Lord pero I want to share some points para naman maibasan ang lungkot na nararamdaman ko. Hindi ako palikero, hindi ako babaero at lalung lalo na hindi ako mahilig manakit ng kapwa ko. Pero bakit minsan yung mga bagay na gusto nating iwasan at hindi natin ginagawa eh sa atin bumabalik? Is that what we called KARMA?, sa palagay ko hindi, kasi hindi ko naman yun ginamit laban sa ibang tao. People always judge me as BABAERO at HAMBOG, so be it!, human has to use their right to judge others freely but let me remind you na you have to scrutinize yourself before scrutinizing others. Ayoko ang pagdudahan ako sa mga bagay na hindi ko ginagawa, sabihin na nating I use to play the game in the most safest ways…ALWAYS… pero as much as possible I want the THRUTH. Eh bakit bigla ka nalang magugulat na niloloko ka na pala, tapos ang ending ng story eh kaya niya ginawa kasi ginagawa mo naman? Wat d heck is that? Salamin ba yun ng isang pagkakamali na gustong mag reflect sa ibang tao or palusot lamang? Hayyy, minsan talaga ang buhay ng tao baliko, tulad ng pakong baliko, kailangang gamitan ng martilyo para tumuwid ito samantalang martilyo din naman ang dahilan kung bakit nagkaganun. Smile na nga lang as I always do, wala naman siguro akong magagawa kung iiyak o magmumukmok ako sa isang tabi. Sabi nga ni idol BOB ONG “Ang mata ay nasa harapan upang makita ang dadaan, hindi para iyakan ang nagdaan”. Basta salamat na lang at talagang masakit pero masarap ang batok ni Lord.

KAY INA


Kaysarap pagmasdan ang mukha ni Ina
May ngiti ang labi at buhay na mata
Pagod man sa maghapong gawain niya
Ang hirap sa kanya’y di mo makikita


Kay ina ko natutunan ang lumaban
Gamitin ang puso’t hindi kabaluktutan
Sa lapis at papel doon iparamdam
Nilalaman ng dibdib at aking isipan.


Si ina ang nagmulat sa buhay na payak
Hindi kailangan ng luho kahit ikay salat
Sapat na ang ngiti at kasiyahan
Upang iparamdam ang kaligayahan


Salamat sa iyo Ina, sa pagmamahal
Puso koy tinuruan huwag maging hangal
Sa iyo huhugot ng anumang lakas
Sa anumang hirap na aking dinaranas.

Friday, March 20, 2009

KAKASA KA BA SA GRADE 5?


“Sir bakit hindi na computer itinuturo mo”
“Sir sana nag computer ka na lang”

Yan ang makailang beses kong narinig na salita sa mga grade 5 sa unang araw ng aming pakikipagsapalaran sa panibagong taon sa eskwelahan. Hindi ko tuloy alam kung Masaya ba sila na magiging science teacher nila ako o iniinsulto nila ako na hindi ko kaya ang magturo ng science para sa kanila. Napakabilis ng araw, dalawang lingo na lamang at matatapos na din “SA WAKAS” ang unang taon ko sa IJA bilang tagapayo. Sampung buwan na din ang nakakaran ng una at muli kaming nagkitakita ng mga grade 5 na mukha pang grade 3 kung titingnan. Pero ngayon yata ay mga astang first year hiskul na. Sa loob ng 10 buwan na iyon ay di ko na din mabilang kung ilang beses akong sumigaw at nagalit sa kanila. Yung last time na nagalit ako…kanina lang sa Grade 5 Malikhain . Madami din naman ang araw na hindi ko mapigilang ngumiti sa kanila. Uunahin ko na ang MASIKAP…..wow ang grupo ng mga pinakapalaaral sa grade 5. Hindi ka IN sa sa section na ito kung hindi ka nag- aaral. KJ ka kumbaga kung ang grades mo dito ay puro palakol. Napapagod ka na pero sila ay eager na matuto. Hindi ka pa nga tapos magsalita ay anjan na at nakataas ang kamay ni Mikhail para sa kangyang walang katapusan at hitik na hitik na Science updates. Si Richelle, Teresa, Angela at Gabrielle, Dianne, Nadine at Stephany ang walang humpay na makikinig sa bawat letrang lumalabas sa aking bibig. Kahit si Ean na makulit nung grade 4 ay malaki ang inimprove sa pag – aaral, biruin mo yun madalang na nyang dalawin ang favorite hangout niya nung grade 4 – ang Guidance Office. Maxadong komplikado ang grupo ng mga batang ito. Pero sa Masikap filing TEACHER ka talaga kapag nagturo ka sa kanila. Next in line eh ang 5 – MAPAYAPA, not so happy ending ang drama ko dito sa section na ito kasi 2 days before the end of the class eh ang daming nagliparang papel sa harap nila. Xmpre galit ako ng mga oras na un. Mxado kasi talagang maingay ang grupo ng mga batang ito. Minsan galit na ako eh nagagawa pang mag ingay. Kaya ayun minsan next level talaga ang init ng ulo ko sa kanila. Pero makakalimutan ko ba naman itong mga batang ito??? Hindi kaya…sa dami ba naman ng HEADACHE at HEARTACHE experience eh. Pero hindi lang naman yun madami namang memorable experience with them eh. Di ko nga lang matandaan kung ano yun . 3rd to the list eh ang mga junakis kong MAPAGPAKUMBABA, master pogi ang tawag nila sa akin, minsan idol…..(hindi nagsisinungaling ang mga bata!) at tulad ng APO days ko sakin na naman yata napunta ang mga notorious kids ng grade 5. Daming suntukan back to back every week. Kapag science class ko sa kanila OK naman pero kapag recess time or lunch time ayun tsaka sila parang mga daga at pusang nag rarambulan kun saan saan. Sweet ang mga girls at outspoken ang mga boys ng section na ito. Last in line is the 5 MALIKHAIN (ano daw) sila na yata ng pinaka unpopular sa 4 na grade 5. Sila din ang isa sa pinakamalapit sa puso ko…(naks emo) , madami sa kanila ang hindi mabilis na nakaksunod sa mga itinuturo ko pero EASY GO LUCKY kung idedescribe ko ang mga batang ito. Yun bang hitik na hitik na sa line of 7 ek mukang di mo man lang makitaan ng pangamba,they remind me of my self….si mr. easy go lucky guy. Ilan beses na yata akong nagalit s kanila pero hindi naman tumatagal kasi very sensitive sila, alam nila kung klan galit si sir. In two months grade six na sila, saan man sila mag aral or dalhin ng kanilang mga paa eh sana ay pagtihikin nila ang aral sa syensya na naituro ko sa kanila.……..in return madami din akong aral na nakuha mula sa kanila. (whew! Patience is a virtue)

Friday, March 06, 2009

SA GITNA NG DAAN

Kung may kulay ang tubig na aking matitikman
Sa gitna kaya ng daan kita ay masisilayan
Kung may tinig kaya ang isang laruan
Sa gitna kaya ng daan kita ay masusumpungan

Hindi sa langit matatagpuan ang abo ng kakahuyan
Kundi sa gitna ng daan kung saan kitay nadatnan
Hindi sa kuweba matatagpuan ang ibong Malaya kung lumipad
Kundi sa gitna ng daan kung saan kita ay namasdan

Sa gitna ng daan marami man ang hadlang
Pakaiisipin mo doon kita ay minahal
Kahit saan man magtungo ang buhay
Magkrukrus ang buhay natin sa Gitna ng daan.

Monday, February 23, 2009

REMEMBERING APO DAYS!

Sometimes, I can’t help my self thinking the best and the worst time of my life. That’s the time when I was the adviser of the so called “notorious batch” of The Pleasant Mount School “The MOUNT APO” or also known as the APOVIANS. Most of them are in 3rd year college now but I think just like me they are remembering their APO days. Tatapusin ko na ang English ko dito kasi for sure hindi na makaahon sa nosebleed ang mga APO na makakabasa nito. Uunahin ko na ang mga worst moments ko with them kasi konti lang naman yun. Worst kasi ilang beses akong napatawag ni Mr. Sadicon sa principals office dahil sa sangrekwang absent at late. Worst kasi madalas ang rumble sa loob at labas ng PMS tapos ang sumbungan ay ang dakila nilang tatay. Worst na dahil sa pagtotolerate ko sa Cellphone nila ay ako mismo ang nakawala ng Sony Ericsson ni Ralph kaya iyak to the max ako dahil sa mahal ng presyo nito. Pero kung may worst mas marami ang best memories ko kasama sila. Hinding-hindi ko makakalimutan si Taka ng minsang isang gabi ay katukin ako sa aming bahay para humingi ng payo sa lovelife at personal life nya. Doon ko naramdaman ang tunay na pagtitiwala. Pagtitiwala ng isang bata na uhaw sa pagmamahal ng isang ama at kaibigan. Sinundan pa ito ng pagtitiwala ni Ian sa buhay na tinatahak niya. DIto ko nasabing masuwerte ako sa aking pamilya. Hindi ko maiwasang mangiti kapg naaalala ko si Tae este Jensen, ang founder ng Betacin Gang. Makakalimutan ko ba ang pangkalso niyang cellphone? Pero siya ata ang nag pauso ng Palm pocket CP. Hindi nga lang astig tingnan noon kasi mejo low class ang dating. Si Puig ang pinakamatanda sa lahat ,21 anyos habang ako ay 23 anyos lamang nuon ay ilang beses yatang nakumpiskahan ng pornographic materials pero matatag na naka graduate sa high school. Yung mga idol si Puig tulad nina Ralph at Romero na pasimple sa lahat ng kalokohan na ginagawa nila hindi halata kasi dinadaan sa paamuhan ng mukha. Si Laarni na ilang beses na umiyak sa akin pero ok lang kasi…..hmmmm mabait na bata naman talaga siya. Isama pa ang sangkatutak na never ending adventures namenat jamming ng buong APO. Wala sa section ko ang mga Cream of the Crops

Sunday, February 22, 2009

ANG NAKAKAPAGOD PERO MASAYANG MANILA ADEVENTURES!

May mga bagay na dumarating sa buhay ng tao na kung titingnan natin ay simple lang pero nag iiwan ng karanasang hinding hindi mo makakalimutan. Hindi na bago sa akin ang libutin ang maynila tulad ng magpicnic sa luneta at intramuros, makipagsiksikan sa tao sa PBB Celebrity Edition Season 1 Big Night sa harap ng Bulwagan ng katarungan, maki jamming sa harap ng municipal hall kapag may concert, manood ng fireworks ng 23rd Southeast Asian games sa grandstand o makipag date sa mga ex girlfriend ko sa SM Manila. Pero ang field trip sa Manila kasama ang Grade 5 Mapagpakumbaba at Malikhain ay nakakapagod pero sulit ang Manila Adeventure ko kasama sila. Maraming silang bagay ang ginagawa na maiinis ka pero sa halip na mainis ka ay magagalit ka pa ba? Sinong hindi matutuwa sa halos 6 na beses na pagsuka ni Kate sa coaster. Sinong hindi matutuwa sa lakas ng boses ni Ralph dahil sa energy provided ng sangkatutak na chips na kinain niya. Sinong hindi matutuwa ng magtatakbo si Jester sa PHILVOCS at ng tanungin ni Mrs. Pauig kung ano yun ay sumagot ng “EARTHQUAKE SIMULATOR MAM”, sinong hindi matutuwa sa non stop na picture taking ni Sam sa lahat ng bagay na Makita niya. Sinong hindi matutuwa sa kakulitan nina Chardy at Renz na halatang excited sa lahat ng ginagawa nila. Sinong di matutuwa sa masinsinang pakikinig at kilig nina Rachel at Gretel kay Adong habang nag eexplain ito ng Types of Rocks. Sinong hindi matutuwa na kahit sina Jubei, Jake at Gabriel ay nakipagsiksikan para lamang makunan ng litrato si Yayo Aguila. Sinong hindi matutuwa sa own rendition ni Raven sa mga kinanta sa Videoke. Sinong hindi matutuwa sa pagsakay nila sa Luneta sa makulay na Coaster na kung titingnan ay pangkaraniwang sasakyan lamang. Masaya ang experience sa Maynila hindi na bago pero sadyang natural na makakalimutan mo ang iyong problema. Hindi mo pala kailangang lumayo ng destinasyon para mag enjoy. Simple pero ROCK, yan ang natutunan ko sa halos siyam na oras na makasama ko ang mga batang madalas kong sigawan at pagalitan kapag hindi naiintindihan ang lesson ko .



Saturday, February 21, 2009

JBUHAIN. BLOGSPOT.COM




kip on reading guys...hehehe...

jbuhain.blogspot.com