Kaysarap pagmasdan ang mukha ni Ina
May ngiti ang labi at buhay na mata
Pagod man sa maghapong gawain niya
Ang hirap sa kanya’y di mo makikita
Kay ina ko natutunan ang lumaban
Gamitin ang puso’t hindi kabaluktutan
Sa lapis at papel doon iparamdam
Nilalaman ng dibdib at aking isipan.
Si ina ang nagmulat sa buhay na payak
Hindi kailangan ng luho kahit ikay salat
Sapat na ang ngiti at kasiyahan
Upang iparamdam ang kaligayahan
Salamat sa iyo Ina, sa pagmamahal
Puso koy tinuruan huwag maging hangal
Sa iyo huhugot ng anumang lakas
Sa anumang hirap na aking dinaranas.
No comments:
Post a Comment