Sunday, March 22, 2009

TRABAHO AGAIN!


5: 30 ng hapon ng byernes ng umalis ako sa tinutuluyang STAFF HOUSE. Malayo ang byahe at delicate pauwi sa amin kaya inagahan ko ang pag – alis sa Boarding house kahit mejo gusto ko pang makipagchikahan sa mga kasamahan ko doon. Sinabi ko sa sarili ko na this is my WEEKEND, gusto kong magpahinga sa halos isang linggo kong puyat at pagod sa trabaho. Hindi ako nagkamali 7:30PM – 8:15 am ang tulog ko na animo’y wala ng bukas ang tulog ko na iyon. Di ko na nga napansin na ang dami na pa lang text messages ng bebeko at kahit si Mikee na katrabaho ko di ko na nasagot sa question niya. Sabado, xmpre moment ko with bebeko ko yun. Nuod ng sine, kain sa labas, balik sa bahay nila dahil sa curfew at balik sa bahay namen para maabutan ang MAALAALA MO KAYA ,ang paborito kong palabas lalo na’t gusto kong mag emote. Tapos dumating si AL at ROB na mga motorista kong barkada, sundo tambay hanggang alas tres ng madaling araw. Uwi sa bahay tulog at kain.Usually yan talaga ang routine ko over the weekend. 4:30 pm ng biglang pumasok sa isipan ko kung ano ang lesson ko for tomorrow. Huwaaaat? In a moment natigilan ako dahil naalala ko na wala na nga pala akong klase bukas. Nabunutan tuloy ako ng tinik sa katawan. Mejo mas magaan na kasi kapag wala ng lesson plan na iintindihin at walang gyera with the students na susuungin. Yun nga lang kakamis kasi nakasanayan na nang katawan. Almost 3 months na naman ule ang hihintayin ko bago mangyari yun. Pero sa ngayon TRABAHO ULE, this time hindi na sa harap ng makukulit at maiingay na chikiting kundi ang harapin ang resulta ng kakulitan ng mga batang ito. Sana matapos ko ito this week. Bukas TRABAHO ULE.

AMBITIOUS BLOG ARTICLE on AMBITION ng AMBISYOSO


What do you want to be when you grow up?

As a child, I always asked this question. I wanted to be a member of ANG TV KIDS..Nye! By the time I was 14, my ambition changed as often as MADONNA reinvented herself. At one point, I wanted to become pilot, HISTORY professor, a photographer, and then a writer. I had also had fantasies of being the Next Aga Mulach and Richard Gomez, the sixth member of BOYZONE, and ehem, The President of the Philippines. Now at 27, and most of my dreams are laid to waste. I am up for the ULTIMATE AMBITION. I want to be a….JEDI! Ok, it may sound out of this world but what the HECK. To be a JEDI is to be invincible. Here’s why:

1. A JEDI KNOWS NO FEAR
2. A JEDI KNOWS NO HATE
3. LIGHTSABER? Probably the coolest weapon in the world! If I have one, I’d be the ultimate protector of the weak (OMG). Criminals can bring out all their guns, ice picks or balisong and sumpit. But with one use of my light saber and they will be running for their lives... Ahehehe
4. and lastly, I want to be a Jedi so that the FORCE is always with me.

It will keep my spirits up. No matter what obstacles I may face, the FORCE will keep me balanced. (NOSEBLEEDING)…..:-)

ESTUDYANTE: para sa kanyang malawak na Ka[MALAY?] an


Para sa karamihan, simple lamang ang konsepto ng pagiging isang mag – aaral – ang matuto, makapagtapos at humarap sa malawak na globalisasyon at kompetisyon sa iba’t – ibang sector ng lipunan. Ngunit sa isang banda, kung inyong susuriin at pagtutuunan ng pansin, may mas interesanteng istorya sa likod ng konseptong ito. Pagmasdan mo lang. Idilat ang mga mata at buksan ang saradong pandinig. Pero saan nga ba nagmumula ang buhay ng isang estudyante? Marahil, sasabihin mo sa akin “ Eh bakit ka pa nagtatanong? Sa eskwelahan syempre”. Ano kaya ang sa tingin mo ang isasagot ko sa sariling tanong? Ang totoo, relatibo ang kasagutan, dahil tulad mo ang bawat isa sa atin estudyante man o naging estudyante ay may kanya – kanyang istoryang pwedeng ibahagi. Mas magandang pagtuunan ang reyalidad. Kung ikaw ang tipo ng nagmamasid at nakikialam, hindi mo na siguro mabibilang sa iyong daliri ang mga butas na gusting baguhin. Kung ikaw naman ang tipo ng mga walang ‘paki’, yun bang ‘wala lang’, pagkakaabalahan mo na lang sigurong kopyahin ang assignment ng kaklase mo, mangodiko sa exam, mag – ingay at magkalat sa eskwelahan. Sa apat na sulok ng institusyong pinapasukan mo, anu – ano nga ba ang bagay na nakapagbahagi sayo upang ika’y maging buo? Anu – ano nga ba ang mga ideyalismong nakapagbigay sa iyo ng malawak na kamalayan? Masasabi mo kaya na ika’y nakatapos ng isang taon sa elementarya o sekundarya nang may natutunan? Ang pagharap sa tunay na mundo ay hindi pagtakas sa mga anino na nakapaloob sa paaralan. Ang mag anino’y hindi nawawala – nagtatago lang. Kung ano man ang desisyon na iyong gagawin sa kasalukuyan, malaki man o mumunti, matatas kong sasabihing ito’y magiging basehan ng IYONG KAHIHINATNAN. Sa apat na taon o ilan mang taon na iginugol mo sa pag – aaral, aminin natin na hindi tayo naging mabuting estudyante. Ngunit subukin nating sabihin na nais mo at nais kong pag ibayuhin at linangin ang aking KAMALAYAN.

BATOK NI LORD!



Ibang klase talaga ang batok ni Papa Jesus, masakit pero my kirot sa puso. Biruin mo yun nagising din ako sa katotohanan sa wakas. Ilang buwan ko din itong tiniis, akala ko kasi OK na pero yun pala hindi pa. Once, twice, thrice…. Ilang beses na bang inalog ni Lord ang ulo ko? Di ko na din mabilang. Ayokong ipaalam kung bakit ba ako binatukan ni Lord pero I want to share some points para naman maibasan ang lungkot na nararamdaman ko. Hindi ako palikero, hindi ako babaero at lalung lalo na hindi ako mahilig manakit ng kapwa ko. Pero bakit minsan yung mga bagay na gusto nating iwasan at hindi natin ginagawa eh sa atin bumabalik? Is that what we called KARMA?, sa palagay ko hindi, kasi hindi ko naman yun ginamit laban sa ibang tao. People always judge me as BABAERO at HAMBOG, so be it!, human has to use their right to judge others freely but let me remind you na you have to scrutinize yourself before scrutinizing others. Ayoko ang pagdudahan ako sa mga bagay na hindi ko ginagawa, sabihin na nating I use to play the game in the most safest ways…ALWAYS… pero as much as possible I want the THRUTH. Eh bakit bigla ka nalang magugulat na niloloko ka na pala, tapos ang ending ng story eh kaya niya ginawa kasi ginagawa mo naman? Wat d heck is that? Salamin ba yun ng isang pagkakamali na gustong mag reflect sa ibang tao or palusot lamang? Hayyy, minsan talaga ang buhay ng tao baliko, tulad ng pakong baliko, kailangang gamitan ng martilyo para tumuwid ito samantalang martilyo din naman ang dahilan kung bakit nagkaganun. Smile na nga lang as I always do, wala naman siguro akong magagawa kung iiyak o magmumukmok ako sa isang tabi. Sabi nga ni idol BOB ONG “Ang mata ay nasa harapan upang makita ang dadaan, hindi para iyakan ang nagdaan”. Basta salamat na lang at talagang masakit pero masarap ang batok ni Lord.

KAY INA


Kaysarap pagmasdan ang mukha ni Ina
May ngiti ang labi at buhay na mata
Pagod man sa maghapong gawain niya
Ang hirap sa kanya’y di mo makikita


Kay ina ko natutunan ang lumaban
Gamitin ang puso’t hindi kabaluktutan
Sa lapis at papel doon iparamdam
Nilalaman ng dibdib at aking isipan.


Si ina ang nagmulat sa buhay na payak
Hindi kailangan ng luho kahit ikay salat
Sapat na ang ngiti at kasiyahan
Upang iparamdam ang kaligayahan


Salamat sa iyo Ina, sa pagmamahal
Puso koy tinuruan huwag maging hangal
Sa iyo huhugot ng anumang lakas
Sa anumang hirap na aking dinaranas.

Friday, March 20, 2009

KAKASA KA BA SA GRADE 5?


“Sir bakit hindi na computer itinuturo mo”
“Sir sana nag computer ka na lang”

Yan ang makailang beses kong narinig na salita sa mga grade 5 sa unang araw ng aming pakikipagsapalaran sa panibagong taon sa eskwelahan. Hindi ko tuloy alam kung Masaya ba sila na magiging science teacher nila ako o iniinsulto nila ako na hindi ko kaya ang magturo ng science para sa kanila. Napakabilis ng araw, dalawang lingo na lamang at matatapos na din “SA WAKAS” ang unang taon ko sa IJA bilang tagapayo. Sampung buwan na din ang nakakaran ng una at muli kaming nagkitakita ng mga grade 5 na mukha pang grade 3 kung titingnan. Pero ngayon yata ay mga astang first year hiskul na. Sa loob ng 10 buwan na iyon ay di ko na din mabilang kung ilang beses akong sumigaw at nagalit sa kanila. Yung last time na nagalit ako…kanina lang sa Grade 5 Malikhain . Madami din naman ang araw na hindi ko mapigilang ngumiti sa kanila. Uunahin ko na ang MASIKAP…..wow ang grupo ng mga pinakapalaaral sa grade 5. Hindi ka IN sa sa section na ito kung hindi ka nag- aaral. KJ ka kumbaga kung ang grades mo dito ay puro palakol. Napapagod ka na pero sila ay eager na matuto. Hindi ka pa nga tapos magsalita ay anjan na at nakataas ang kamay ni Mikhail para sa kangyang walang katapusan at hitik na hitik na Science updates. Si Richelle, Teresa, Angela at Gabrielle, Dianne, Nadine at Stephany ang walang humpay na makikinig sa bawat letrang lumalabas sa aking bibig. Kahit si Ean na makulit nung grade 4 ay malaki ang inimprove sa pag – aaral, biruin mo yun madalang na nyang dalawin ang favorite hangout niya nung grade 4 – ang Guidance Office. Maxadong komplikado ang grupo ng mga batang ito. Pero sa Masikap filing TEACHER ka talaga kapag nagturo ka sa kanila. Next in line eh ang 5 – MAPAYAPA, not so happy ending ang drama ko dito sa section na ito kasi 2 days before the end of the class eh ang daming nagliparang papel sa harap nila. Xmpre galit ako ng mga oras na un. Mxado kasi talagang maingay ang grupo ng mga batang ito. Minsan galit na ako eh nagagawa pang mag ingay. Kaya ayun minsan next level talaga ang init ng ulo ko sa kanila. Pero makakalimutan ko ba naman itong mga batang ito??? Hindi kaya…sa dami ba naman ng HEADACHE at HEARTACHE experience eh. Pero hindi lang naman yun madami namang memorable experience with them eh. Di ko nga lang matandaan kung ano yun . 3rd to the list eh ang mga junakis kong MAPAGPAKUMBABA, master pogi ang tawag nila sa akin, minsan idol…..(hindi nagsisinungaling ang mga bata!) at tulad ng APO days ko sakin na naman yata napunta ang mga notorious kids ng grade 5. Daming suntukan back to back every week. Kapag science class ko sa kanila OK naman pero kapag recess time or lunch time ayun tsaka sila parang mga daga at pusang nag rarambulan kun saan saan. Sweet ang mga girls at outspoken ang mga boys ng section na ito. Last in line is the 5 MALIKHAIN (ano daw) sila na yata ng pinaka unpopular sa 4 na grade 5. Sila din ang isa sa pinakamalapit sa puso ko…(naks emo) , madami sa kanila ang hindi mabilis na nakaksunod sa mga itinuturo ko pero EASY GO LUCKY kung idedescribe ko ang mga batang ito. Yun bang hitik na hitik na sa line of 7 ek mukang di mo man lang makitaan ng pangamba,they remind me of my self….si mr. easy go lucky guy. Ilan beses na yata akong nagalit s kanila pero hindi naman tumatagal kasi very sensitive sila, alam nila kung klan galit si sir. In two months grade six na sila, saan man sila mag aral or dalhin ng kanilang mga paa eh sana ay pagtihikin nila ang aral sa syensya na naituro ko sa kanila.……..in return madami din akong aral na nakuha mula sa kanila. (whew! Patience is a virtue)

Friday, March 06, 2009

SA GITNA NG DAAN

Kung may kulay ang tubig na aking matitikman
Sa gitna kaya ng daan kita ay masisilayan
Kung may tinig kaya ang isang laruan
Sa gitna kaya ng daan kita ay masusumpungan

Hindi sa langit matatagpuan ang abo ng kakahuyan
Kundi sa gitna ng daan kung saan kitay nadatnan
Hindi sa kuweba matatagpuan ang ibong Malaya kung lumipad
Kundi sa gitna ng daan kung saan kita ay namasdan

Sa gitna ng daan marami man ang hadlang
Pakaiisipin mo doon kita ay minahal
Kahit saan man magtungo ang buhay
Magkrukrus ang buhay natin sa Gitna ng daan.