Friday, March 06, 2009

SA GITNA NG DAAN

Kung may kulay ang tubig na aking matitikman
Sa gitna kaya ng daan kita ay masisilayan
Kung may tinig kaya ang isang laruan
Sa gitna kaya ng daan kita ay masusumpungan

Hindi sa langit matatagpuan ang abo ng kakahuyan
Kundi sa gitna ng daan kung saan kitay nadatnan
Hindi sa kuweba matatagpuan ang ibong Malaya kung lumipad
Kundi sa gitna ng daan kung saan kita ay namasdan

Sa gitna ng daan marami man ang hadlang
Pakaiisipin mo doon kita ay minahal
Kahit saan man magtungo ang buhay
Magkrukrus ang buhay natin sa Gitna ng daan.

9 comments:

  1. sir tungkol saan yan sa daan di ko po gets

    ReplyDelete
  2. sir, di ko rin magets. too dramatic.

    ReplyDelete
  3. sir ganda ng tula....para ba sa gf mo yan?

    ReplyDelete
  4. ui si sir senti boy.....sir thanks sa lahat

    ReplyDelete
  5. ui sir explain mo naman smen kung bakit ka tinawag na boy kalawang?

    ReplyDelete
  6. aztig tula mo sir...oi romeo at corine bakit nyo d naintindihan...hehehehe

    ReplyDelete
  7. sir zhana pow ma aappreciate niyo yung gift namen sau..luv you po sir!

    ReplyDelete
  8. luv ka namen seeeeeeeer..

    ReplyDelete
  9. sir sinu si Anonymous

    ReplyDelete