Sunday, March 04, 2012

GOOD BYE TEACHING NA BA?

Masarap maging guro....masarap magturo.....pero mahirap at nakakapagod ang trabaho ng isang GURO....

- Madalas nating maririnig ang linyang "teaching is a noble profession"...yes BOW ako sa parteng yan ng aking trabaho.....pero paano kung dumating sa puntong ayaw mo na? hindi ka na naniniwala sa katagang yan? Ano ang gagawin mo? AKO.....QUIT......


Mahabang panahon na din akong isang guro, madami at sangkatutak na din ang kabataang dumaan sa aking buhay, yung iba sigurado nag iwan ako ng impact sa buhay nila, yung iba sama ng loob at yung iba wala lng....deadma....Sabi nga ni Jeremiah at Hosanna ng IJA "Mr. Buhain is a role model" <3.......pero minsan kong masalubong sa daan si Eden ng PMS " sir lagi mo naman akong binabagsak at pinagagalitan"...ouch sorry naman....madami din ang dinaanan ka lang at deadma kahit nakasakay mo pa sa jip hanggang LRT....(well the feeling is mutual)

Napakasarap maging guro.....nandyan ang makukulit na bata na kapag kasama mo sila ay feeling bagets ka din.....mararamdaman mong kuya ka sa kanila, minsan tatay na din para sa kanila, minsan kontrabida, pero madalas ikaw ang bida sa paningin nila. May panahong waging wagi ka....lalo na kapag birthday mo.....may cakes, gifts at banner!! Kapag teachers day, my letters at kung ano anong maliliit na bagay mula sa kanila, kapag Valentines day all kinds of sweets at hearts!, at syempre ung sako sakong gifts kapag pasko...............hayyyyyyyy

Pero hindi ang mga materyal na bagay ang bumuo sa akin bilang guro.....Kundi ang mga mga kabataang nasa harap ko mula alas 6:30 ng umaga hanggang alas 2:00 ng tanghali....Yung simpleng ngiti, yung simpleng tawanan st simpleng problema na bumubuhay sa isang oras ng pag-aaral.....

GOOD BYE TEACHING NA BA?

Sa ngayon......OO

Pagod na ba ako?.....OO

Sa darating na mga panahon....alam kong mamimiss ko sila......alam kong hahanapin ng katawan ko ang pagiging guro....Pero sa ngayon PASS muna....at hihintayin uli ang panahon na muling magbubukas sa puso ko ang pagtuturo.....

SANA.......


SANA......


;-)

7 comments:

  1. hindi goodbye... pahinga muna jkac alam ko babalikan mo rin yan hehe

    ReplyDelete
  2. mahusay ka naman sa lahat ng bagay.. kaya kahit saan ka man dalin, alam kong magiging matagumpay ka.. kaya kung saan ka man mapadpad, mahalin mo rin ito ng tulad ng pagmamahal mo sa PAGTUTURO.

    ReplyDelete
  3. @anonymous 2...thanks for that compliment....;-)

    ReplyDelete
  4. goodluck na lang po
    :)

    ReplyDelete
  5. mamimiss din nmin kau sir
    goodluck n lng po :)

    ReplyDelete
  6. Thanks Guys! Mamimiss ko din ang IJA

    ReplyDelete
  7. 😥😥😥 parang nakakaiyak naman..

    ReplyDelete